Connect with us

Aklan News

6 NA MGA TURISTA SA BORACAY, HINULI DAHIL SA PAGGAMIT NG PEKENG NEGATIVE RT PCR RESULTS

Published

on

P

Muli na namang nalusutan ng mga turistang gumamit ng pekeng RT-PCR test ang Boracay Island.

Kinumpirma mismo ni Provincial/Jetty Port Administrator Atty. Selwyn Ibarreta sa panayam ng Radyo Todo na 6 na mga turista ang dinampot sa isla kagabi matapos mapag-alaman na peke ang mga gamit nilang RT-PCR test results.

Kinilala ang mga itong sina Junhel Lopez, 29; Xavier Bamba, 24; John Aldrin Sapon, 20; Nikka Brilliantes, 22; Cathy Prosimo, 35; at isang 17 anyos na menor de edad.

Paliwanag ni Ibarreta, nabigyan ang mga ito ng probationary QR code na ginamit nila para makasakay sa eroplano kahapon.

Saad pa ni Ibarreta, nakalabas na sila ng Caticlan Airport bago paman makatanggap ng reply ang verification team mula sa molecular laboratory na St. Luke’s Medical Center na nakabase sa Quezon City.

Dahil dito, agad silang tumawag sa mga hotel na kanilang inilagay sa pag fill-up Online Health Declaration Card, doon din natuklasan mula sa hotel na wala pang online bookings ang mga ito.

Itinanggi rin ng mga resort na nakapag pa book sa kanila ang mga nabanggit na turista.

Gayunpaman, natunton ang mga turista nang mag walk-in sa hotel sa may So. Cagban, Brgy. Manocmanoc, Boracay saka sila dinala sa Marzon Hotel, Kalibo.

Dahil dito, sinabi ni Ibarreta na ititigil na nila ang pagpapadala ng mga probationary QR code sa mga turista kahit na maiwan pa sila ng eroplano.

Muli rin nitong ipinaalala sa mga turista na kumuha agad ng Online Health Declaration Card 24 oras bago ang kanilang flight dahil hindi sila magbibigay ng QR code hangga’t wala pa silang reply na natatangap sa mga molecular laboratory.

 

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *