Connect with us

Aklan News

MOTORORISTA SUGATAN NANG MASAPUL NG WING VAN

Published

on

Banga – Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng mabangga ng isang wing van pasado alas 11:00 kanina sa highway ng Pagsanghan, Banga.

Nakilala ang biktima na si John Niño Napay, 23 anyos ng Ugsod, Banga, at ang driver ng wing van na si Fernan Idao, 32 anyos ng Tigayon, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP kapwa papuntang Balete ang direksyon ng motorsiklo at van nang sumensyas umano si Napay na liliko pakaliwa.

Sinasabing may kotse pang sumusunod sa motorsiklo, na umiwas naman para sa ligtas na pagliko nito, subalit hindi naman ito napansin ng driver ng wing van, rason na nasapol niya ang nasabing rider.

Resulta, nagtamo ito ng pinsala sa katawan na kaagad ding dinala sa ospital.

Pansamantala namang nasa kustodiya ng Banga PNP ang van at driver nito, para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *