Connect with us

Aklan News

AKLANON COP, BUMALIK PARA MAGSILBING APPO DIRECTOR

Published

on

Photo| Mary Ann Solis/Radyo Todo Aklan

Pormal nang uupo bilang bagong Provincial Director ng Aklan Police Provincial Office (APPO) si PCol Ramir Perlito Paradero Perlas bilang kapalit ni PCol Esmeraldo P. Osia, Jr..

Hindi na bago sa Aklan si Perlas dahil tubong Numancia ito na nagsilbi bilang hepe ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD) sa Police Regional Office – Caraga Administrative Region bago muling ma-assign sa Aklan.

Nagserbisyo din ito bilang Provincial Director ng Agusan del Norte.

Isinagawa ang pormal na pagpapalit ng provincial director ng Aklan PNP sa Camp Delgado, Police Regional Office 6 (PRO-6) sa Iloilo City kahapon.

“I will lead the PNP personnel of Aklan in the fight against illegal drugs, insurgency and all forms of criminality,” saad ni Perlas.

Papalitan ni perlas si PCol Esmeraldo P. Osia, Jr., na nagsilbing provincial director ng Aklan sa loob ng dalawang taon.

Pahayag niya, “Isang karangalan po na mapaglingkuran ang Probinsya ng Aklan”.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.