Aklan News
COVID POSITIVE NA TURISTA GALING MANILA, NAKALUSOT SA BORACAY

Published
1 month agoon

Isang turistang mula sa Manila ang nakalusot sa Boracay kahit na positibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Pahayag ni Dr. Cornelio Cuachon ng Provincial Health Office (PHO), dalawang RT-PCR test ang kinuha ng lalaking turista na galing sa Malabon City.
Unang kumuha ng swab test ang lalaki noong January 14, lumabas na positibo ito January 15 ngunit nagpa re-swab ito sa ibang molecular laboratory noong January 16 at nag negatibo.
Ang negative RT-PCR test na nakuha nito ang ginamit niya para makakuha ng QR code mula sa validation team at makapasok sa Boracay noong January 17.
Naalarma ang surveillance team nang mapag-alaman ito kaya nakipagtulungan sila sa Department of Health (DOH) national at regional na siyang tumawag sa Aklan PHO para mahanap ang lalaki.
Agad naman na nakuha ang turista mula sa hotel na kanyang tinutuluyan sa Boracay pati na ang kanyang nobyang kasama at dinala sa Aklan Training Center para ma isolate.
Kinuhaan din sila ng swab test at nagnegatibo sa COVID-19.Gayundin ang mga staff ng hotel na kanilang tinuluyan sa Boracay.
Bagama’t nag negatibo sa sakit, maaari pa ring managot ang turista dahil sa paglabag nito sa Bayanihan to Heal as One Act.
Continue Reading
Advertisement
You may like
-
ANG MAGUGULONG MGA RESOLUTIONS AT POSITION PAPERS NG SANGGUNIANG BAYAN NG MALAY AT SANGGUNIANG PANLALAWIGAN MAY KINALAMAN SA BIDA
-
NO2BIDA BILL: AKLAN GOVERNENT, TUTOL SA PAGTAYO NG BORACAY ISLAND DEVELOPMENT AUTHORITY
-
ANO ANG KWENTO SA PAGBUBUO NG BORACAY ISLAND DEVELOPMENT AUTHORITY
-
2 MAGKASABWAT SA PAGTUTULAK NG MARIJUANA BORACAY, TIKLO
-
LABORER ARESTADO SA KASONG ACTS OF LASCIVIOUSNESS
-
Ang eksklusibong panayam kay Asst. Regional Director Engr. Fruto of DPWH 6 patungkol sa mga proyekto sa Boracay ngayong 2021
Click to comment