Connect with us

Aklan News

MGA WAGI SA ATI-ATIHAN COSTUME MAKING CONTEST, INIHAYAG NA

Published

on

Larawan mula sa Kalibo Ati-Atihan Festival 2021

Itinanghal na ang mga nagwagi sa Ati-atihan Costume Making Contest, hapon ng Enero 17, 2021, matapos ang mahigit isang buwang paghihintay simula nang buksan ang nasabing patimpalak.

Isa sa mga pinakaaabangan at kinamamanghaan tuwing Ati-Atihan festival ay ang mga makukulay at magagarbong costume ng bawat tribu. Dahil sa pandemya, iba ang naging pagdaraos ng Ati-Atihan ngayong taon.

Upang patuloy na maipamalas ng bawat tribu ang kanilang husay sa paggawa ng Ati-Atihan costume, inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang Ati-Atihan Costume Making Contest. Mayroon itong apat na kategorya: Tribal, Modern Tribal, Balik-Ati, at Individual.

Ang bawat entry o costume ay dapat na sumasalamin sa kulturang Aklanon at ng tribung kalahok. Kailangan ding ilangkap bilang bahagi ng costume ang itim na face mask at face shield.

Binuksan ang nasabing patimpalak sa lahat ng tribu at indibidwal na naging kalahok sa 2020 Ati-Atihan Contest. Ang bawat kalahok ay nagsumite ng kanilang entry, kasama na ang video documentation ng kanilang pagbuo ng costume.

Ang mga nagwagi at ang kaukulang premyo sa bawat kategorya ay ang mga sumusunod:

Tribal Category
1st Place (P15, 000.00) – Tribu Tamaeunon
2nd Place (P10,000.00) – Tribu Bukid Tigayon
3rd Place (P7,500.00) – Black Beauty Boys

Modern Tribal
1st Place (P10,000.00) – Atras Abante
2nd Place (P7,500.00) – Roadside
3rd Place (P5,000.00) – Aeang Aeang

Balik-ati
1st Place (P10,000.00) – Maninikop
2nd Place (P7,500.00) – Datu Puti
3rd Place (P5,000.00) – Tribu Naisud

Individual
Most Creative (P5,000.00) – Goddess of Perseverance and Hope
Most Colorful (P5,000.00) – Goddess of Perseverance and Hope
Most Innovative (P5,000.00) – Pigeon

Samantala, naggawad din ng P2,000.00 na consolation prize sa bawat kalahok ng patimpalak.

Position: Researcher/Writer Years/background in Media works: 3 YearsWhy chose this profession: This profession has opened my eyes to the realities of life. Being in media allows me to have a better understanding of humanity, and appreciate the beauty of both its struggles and triumph. As a media practitioner, I'd like to believe that I bring light to the world by imparting my skills and knowledge, and by sharing valuable information. Principle in life: I've always been a strong believer that there is goodness in everyone. And if you see something good and beautiful in a person, you gotta say it. The person deserves to know that someone appreciates him.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *