Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL DRIVER PATAY MATAPOS MASAGI NG BUMUKAS NA COMPARTMENT NG BUS

Published

on

Altavas – Dead on arrival sa ospital ang isang traysikel driver matapos aksidenteng masagi ng bumukas na compartment ng ceres bus, alas 7:30 kaninang umaga sa highway ng Odiong, Altavas.

Nakilala ang biktimang si Daniel Belonio, 38 anyos ng Sibagwan, Roxas City, habang nakilala naman ang driver ng ceres bus na si Arnel Lingaya, 46 anyos ng Dungon B Jaro, Iloilo City.

Base sa imbestigasyon ng Altavas PNP, nakaparada umano sa gilid ng kalsada ang traysikel nang tiyempo namang bumukas ang compartment ng dumaang ceres bus, na galing Iloilo papuntang Kalibo.

Dahil dito, nasapol sa ulo ng bumukas na takip ng compartment ang biktima, na kaagad namang dinala sa ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Samantala ikinustodiya parin sa Altavas PNP ang ceres bus ang driver
kahit nagkaareglo sila ng pamilya ng biktima nitong hapon, habang hinihintay na matapos ang reglamentary period ng insidente.

Pinaniniwalaan naman na nagkaroon ng malfunction sa compartment ng nasabing bus, dahilan ng bigla nitong pagbukas.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *