Connect with us

Aklan News

DUMP TRUCK SINALPOK NG ISA PANG DUMP TRUCK, ISA SUGATAN

Published

on

Batan – Isa ang sugatan matapos sinalpok ng isang dumptruck ang isa pang dumptruck sa highway ng Lalab, Batan, bandang alas 4:20 kahapon ng hapon.

Kinilala ng Batan PNP ang biktimang driver na si Robito Delos Santos, sa legal na edad, ng Lupit, Batan.

Base sa imbestigasyon ng Batan PNP, pabalik na sa Batan ang truck na minamaneho ng biktima, nang mag-malfunction umano ang brake nito, rason na nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang biktima.

Kasunod nito, bumangga ang truck sa likod ng isa pang dump truck na pagmamay-ari ng Green Harvest Construction Company, na nagkataong naghahakot ng hinukay na lupa sa ginagawang kalsada doon.

Resulta, nawasak ang ulo ng bumanggang truck at nagtamo ng pinsala sa paa ang driver na si Delos Santos.

Kaagad siyang dinala sa ospital, habang wala naman umanong pinsala ang dumptruck ng Green Harvest.

Samantala, sinabi naman ng Batan PNP na hindi naman magsasampa ng reklamo ang Green Harvest sa nasabing biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *