Connect with us

Aklan News

Non-working holiday bukas, idineklara ng LGU-Makato para sa kapistahan ni Senior Sto Niño

Published

on

Idineklara ng Local Government Unit (LGU)-Makato na non-working holiday para sa mga opisina ng gobyerno at institusyon ang pagdiriwang ng kapistahan ni Senior Sto Niño bukas, January 15, 2021.

Sa inilabas na public advisory ni Mayor Atty. Abencio Torres, pansamantalang sinuspende ang lahat ng transaksyon sa gobyerno maliban na lamang sa mga opisina na nagbibigay serbisyo partikular sa basic and health services, preparedness response to disasters and calamities kabilang ang tanggapan ng Rural Health Unit, MDRRMO, Bureau of Fire at Makato Police Station.

Hinihimok din ang mga pribadong sektor na boluntaryong magdeklara ng holiday sa trabaho bukas para sa obserbasyon ng kapistahan ni Sr. Sto. Niño.

Una nang ipinagbawal ang pagtanggap ng bisita sa mga kabahayan lalo na kung galing sa ibang barangay o bayan.

Mag-iikot din ang mga otoridad para masiguro na naipapatupad ang istriktong health protocols.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *