Connect with us

Aklan News

PNP MAG-IIKOT SA KABAHAYAN SA MAKATO SA DARATING NA PISTA NI SR. SANTO NIÑO

Published

on

Mag-iikot sa komunidad at mga kabahayan ang mga kapulisan sa Poblacion, Makato para siguraduhin na nasusunod ang mga protocols sa darating na kapistahan ni Sr. Sto. Niño.

Sa pamamagitan ng Facebook post, ipinaalala ni Punong Barangay Bobbyclyde Legaspi sa mga taga Poblacion, Makato na bawal ang pagtanggap ng mga bisita mula sa ibang barangay o bayan mula ngayong January 13 – January 15, 2021.

Ito ay para maiwasan di umano ang pagkalat ng nakamamatay na COVID-19 virus.

Hinimok pa nito ang publiko na maghanda lamang ng pagkain na para lang sa mga miyembro ng pamilya.

Makakatulong ng kapulisan ang mga tanod sa pag-iikot para masiguro na nasusunod ang social distancing at iba pang health protocols para sa maging ligtas ang lahat.

Isa ang Makato sa mga bayan sa Aklan na may Ati-Atihan Festival at ipinagdiriwang ito tuwing January 15.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *