Connect with us

Aklan News

WILLIAM LACHICA, KINUMPIRMA ANG PAGTAKBO BILANG GOBERNADOR SA 2022

Published

on

Kinumpirma ni dating Kalibo Mayor William Lachica ang muling pagtakbo bilang gobernador sa taong 2022.

Inihayag ni Lachica sa panayam ng Radyo Todo na magsasagawa sila ng prepositioning dahil lumipat na ang dati nilang kaalyado na si Congressman Marquez sa dati nitong grupo na Tibyog Akean.

Nagpunta diumano siya sa bahay ni Marquez kung saan sinabihan siya nito na bumalik nalang sa Kalibo.

Bagama’t hindi matanggap ni Lachica ang desisyon ni Marquez, desidido pa rin itong ipagpatuloy ang kanyang pagtakbo sa darating na eleksyon, “Masakit sa akon nga kabubut-on nga di ko mabaton.”

Paliwanag niya, nagawa na niya ang mga dapat gawin sa bayan ng Kalibo, nais rin nito na maranasan ng mga iba pang munisipalidad ang kanyang serbisyo.

Kinumpirma din nito personal na tumawag sa kanya si Presidential Spokesperson Harry Roque para ipaabot ang kanyang pagsuporta.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *