Connect with us

Aklan News

4 KALABOSO SA ILEGAL NA SUGAL

Published

on

Makato – Apat ang arestado dahil sa ilegal na sugal sa Sitio Cogon, Cajilo, Makato.

Sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng Makato PNP mag-a ala 1:20 kaninang hapon, naaresto ang mga suspek na sina Glenda Ta-ay, 42 anyos, Daisy Amboboyog, 40 anyos, kasama ang isang 20 anyos na estudyante, at 16 anyos na minor de edad, lahat residente ng nasabing lugar.

Ayon sa Makato PNP, kaagad nilang pinuntahan ang lugar matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay ng paglalaro umano ng pusoy ng mga suspek doon sa loob ng isang kubo.

Kaugnay nito, narekober ang isang set ng baraha at kabuuang P73.00 na pera mula sa kanila.

Pansamantala silang ikinustodiya sa Makato PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Samantala, ipinagkatiwala na ng Makato PNP sa DSWD ang lalaking menor de edad, habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling Laws sa kanyang mga kasama.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *