Connect with us

Aklan News

P50 MILYON PONDO PARA SA PAGBILI NG COVID-19 VACCINE, APRUBADO NA NG SB KALIBO

Published

on

Inaprobahan na ng Sangguniang Bayan Kalibo ang aabot sa P50 milyong pondo na inilaan ng lokal na pamahalaan para sa pagbili ng bakuna kontra sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Emerson Lachica, kakailanganin ng lokal na pamahalaan ang naturang halaga sa unang phase ng pagbili ng COVID-19 vaccine na magbibigay proteksyon sa publiko laban sa nakamamatay na sakit.

Magmumula ang pondo sa 2021 LGU budget, samantala, maaaring madaragdagan pa ito para mabakunahan ang mga Kalibonhon na aabot sa 84, 000 ang populasyon.

Bibigyang prayoridad na mabakunahan sa unang phase ang mga frontliners, senior citizens at vulnerable groups na nasa highly congested areas gaya ng C. Laserna St.

Isang Working Committee ang binuo ng LGU para sa pagproseso ng pagbili ng bakuna na ipamimigay sa kanilang mga nasasakupan.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *