Connect with us

Aklan News

BANGKA TUMAOB SA LAKAS NG ALON SA NEW WASHINGTON, 3 MANGINGISDA LIGTAS

Published

on

Photo| Ms. Beveryn Flores

Tumaob ang isang bangka sa Brgy. Polo, New Washington matapos bayuhin ng malalakas na alon, Martes ng umaga.

Nakaligtas naman ang 3 mangingisda na sakay ng bangka.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) New Washington, nakatanggap sila ng tawag mula sa mga residente na may isang bangka na tumaob sa lugar.

Agad naman na tumugon ang response team at pagdating sa lugar ay nasa baybayin at ligtas na ang mga mangingisda.

Wala namang tinamong sugat ang mga ito.

Nag-abiso ang response team at barangay kagawad sa lugar na kanselahin na muna ang pagpapalaot dahil sa malakas na alon na dala ng Amihan.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *