Connect with us

Aklan News

LASING NA NANGLAS-LAS NG LEEG, ARESTADO

Published

on

Makato – Sasampahan na ngayong araw ng kasong Frustrated Homicide ang isang lasing na nanglaslas umano ng leeg sa Calangcang, Makato kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Joseph Mationg, 30 anyos ng nasabing lugar, habang mapalad namang minor injury lamang ang tinamo ng biktimang si Patrick France San Miguel, 19 anyos ng Agcawilan, Lezo.

Nabatid sa imbestigasyon ng Makato PNP na naghihintay umano noon ng traysikel ang biktima nang lumapit ang lasing na suspek at nilaslas siya sa leeg.

Bagama’t naabot ang leeg, masuwerte paring naitulak ng biktima ang kamay ng suspek kung kaya’t hindi ito napuruhan.

Kaagad naaresto ang suspek at ikinustodiya sa Makato PNP Station para sa karampatang disposisyon.

‘Kursunada’ ang nakikitang rason ng Makato PNP sa krimen.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *