Connect with us

Aklan News

DAHIL SA UTANG, BABAE KINAGAT

Published

on

Nagsumbong sa Kalibo PNP Station ang isang babae matapos umanong kagatin ng ng kanyang pinautang kahapon sa Brgy. Linabuan Norte, Kalibo.

Nakilala ang nagreklamong si Jalyn Calaor, 20 anyos ng Brgy. Linabuan Norte, habang kinilala rin sa police report ang kumagat sa kanya na si Ma. Grace Liberato, 44 anyos ng parehong lugar.

Kwento ng biktima, sinugod siya ni Liberato sa kanilang bahay at kinompronta patungkol sa kanyang Facebook post na tungkol sa utang.

“Amo gid man kamo mag inutang, kung manukot sa inyo, naakig lang kamo, kg pa c harid sa inyo gina bayaran, b*ysit kamo, wala kamo balasran sa ginikanan ko kung may problima kamo si mama ang inyong naadtunan, makaron wala na kamo sang gna bool maakig lang kamo,” saad ni Jalyn sa kanyang post.

Nagtalo ang dalawa at sinuntok ni Jalyn si Liberato sa mukha, gumanti naman naman si Liberato saka siya kinagat sa mukha, hanggang sa naawat ang dalawa.

Nagkasundo naman ang mga ito na ayusin ang kaso sa barangay justice system ng Linabuan Norte.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *