Connect with us

Aklan News

78 ANYOS NA LOLA, NABANGGA NG SUV, PATAY

Published

on

Numancia – Patay ang isang 78 anyos na lola matapos aksidenteng mabangga ng SUV pasado alas 11:00 kaninang tanghali sa Joyao-joyao, Numancia.

Nakilala ang biktimang si Evangelina Iligan, ng Dongon West, Numancia, habang pansamantalang naka detene sa Numancia PNP Station ang nakabanggang driver na si John Pons Capalad, 22 anyos ng Navitas, Numancia.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, naglalakad umano sa pedestrian lane patawid ang biktima nang aksidenteng mabangga ng nasabing sasakyan.

Kaagad siyang dinala ng mga taga MDRRMO sa ospital, subalit binawian ng buhay alas 2:55 nitong hapon.

Base pa sa imbestigasyon, may mga nakakita umano sa driver na sa ibang direksyon nakatingin para naman tiyakin kung may ibang sasakyan, kung kaya’t hindi nito napansin ang tumawid na biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *