Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL NABANGGA NG ALUMINUM VAN, 2 SUGATAN

Published

on

Numancia – Dalawa ang sugatan matapos mabangga ng aluminum van ang isang traysikel bandang alas 10:00 kahapon ng umaga sa highway ng Bulwang, Numancia.

Nakilala ang mga biktimang sina Prudencio Risan Jr., driver ng traysikel, 43 anyos ng Mantiguib, Makato, at pasahero nitong si Mark Ivon Sualog, 21 anyos ng naunang nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, galing Kalibo ang traysikel nang bigla umano itong lumiko pabalik sa Kalibo para pick-apin ang pasahero sa kabilang kalsada.

Subalit aksidente naman itong nasapol ng sumusunod na aluminum van na minamaneho ni Armin Guzman, 33 anyos ng Pototan, Iloilo.

Resulta, kapawa nagtamo ng sugat at pinsala sa katawan ang traysikel driver at kanyang pasahero.

Kaagad silang dinala sa ospital, habang ikinustodiya sa Numancia PNP ang driver ng van para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *