Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO NABANGGA NG TOPDOWN, 2 SUGATAN

Published

on

Banga – Dalawa ang sugatan matapos aksidenteng mabangga ng topdown ang isang motorsiklo bandang alas 2:00 kaninang hapon sa Libas, Banga.

Nakilala ang mga biktimang sina Ernesto Resco, 80 anyos ng Tabayon, Banga, at ang rider ng motorsiklong si Jonard Patricio, 49 anyos ng Lalab, Batan.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, pauwi na sa Lalab si Protacio nang mabangga ni Resco.

Sinasabing nasa fast lane noon si Protacio, habang sa outer lane naman si Resco. Subalit bigla na lamang umanong lumiko papuntang interior road ng Tabayon ang huli, at nasapol ang motorsiklo dahil sa pag-aakalang malayo pa ito sa kanya.

Dahil dito, sumemplang sa kalsada ang motorsiklo, rason ng mga tinamong gasgas ni Protacio, habang posibleng naipit ng bumanggang top-down ang isang daliri sa kaliwang paa ni Resco, rason na kailangan itong iconfine sa ospital para i-xray.

Hindi naman ng nagpadala pa sa ospital si Protacio, at minarapat umuwi matapos ang imbestigasyon sa insidente.

Samantala, sinabi pa ng Banga PNP na muling maghaharap sa presento ang mga biktima para sa kanilang kasunduan kaugnay ng kanilang gastusin medikal.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *