Connect with us

Aklan News

DRAYBER, KINAGAT SA BAYAG NG DATING LIVE-IN PARTNER 

Published

on

Makato – Sugatan ang isang driver matapos umanong kinagat ng kanyang ex-live in partner ang kanyang bayag pasado alas 2:00 kahapon ng hapon sa Poblacion, Makato.

Ayon sa Makato PNP, duguan pa ang short pants ng driver habang nagmamameho ng traysikel papuntang police station para ireport ang insidente.

Base umano sa salaysay ng driver, sinugod umano siya ng dating live-in partner sa tinutuluyang boarding house at sinumbatan na meron na itong ipinagpalit sa kanya.

Bigla nalang din umano siya nitong hinawakan sa ulo at ibinangga sa dingding, at mabilis na hinubaran ng short pants at underwear.

Kasunod nito, bigla rin umanong kinagat ng babae ang kanyang bayag, na dumugo at ikinahimatay pa niya.

Kaagad namang dinala ng mga pulis sa ospital para ipa medikal ang lalaki, habang ipinasa naman ng Makato PNP ang kaso sa barangay justice system para sa karampatang disposisyon, sa kahilingan na rin ng biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *