Connect with us

Aklan News

28 ANYOS NA LALAKI, BINARIL NG KAINUMAN, PATAY

Published

on

Makato – Patay ang isang lalaki matapos umanong barilin ng kainuman bandang alas 7:00 ngayong umaga sa Mantiguib, Makato.

Nakilala ang biktimang si Jessmar Nerval, 28 anyos, at ang suspek na si Jerry Redaniel, 53 anyos kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Makato PNP, nag-iinuman ang biktima at suspek nang walang anumang probokasyon nang biglang tumayo ang suspek at binaril sa kaliwang dibdib ang biktima.

Kaagad siyang dinala sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Kaagad namang nahuli ng mga pulis ang suspek na pansamantalang ikinustodiya sa Makato PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente, at pinaghahanap ang baril na ginamit umano ng suspek, na itinapon umano nito pagkatapos ng krimen.

Tumanggi ang suspek na magbigay-pahayag sa insidente.

(Developing story)

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *