Connect with us

Aklan News

80-ANYOS NA AMERIKANO, NASAGIP SA PAGKAKALUNOD SA BORACAY

Published

on

Maswerteng nasagip mula sa pagkakalunod ang isang Amerikano sa isla ng Boracay kaninang umaga.

Nakilala ang biktimang si Julio Cesar Guerra, 80 anyos ng Sitio Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay.

Base sa Malay PNP, napadpad sa malalim na bahagi ng dagat ang biktima habang naliligo sa may Station 1, Balabag, Boracay.

Nasagip ito nang mapansin ng isang crew ng dumaang paraw, agad siyang tumalon sa tubig para tulungan ang biktima at dalhin sa dalampasigan.

Agad naman itong naidala sa Ciriaco Tirol Memorial Hospital at kasalukuyan nang nagpapagaling at nasa maayos na kondisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *