Connect with us

Aklan News

DATING SEKYU, ARESTADO MATAPOS MAHULIHAN NG BARIL

Published

on

Malinao – Arestado matapos mahulihan ng baril bandang alas 11:00 kagabi sa Rosario, Malinao ang isang dating security guard.

Nakilala ang suspek na si Norberto Renado, 38 anyos ng Navitas, Malinao.

Base sa report ng Malinao PNP, tiyempo umanong nagpapatrolya ang mga pulis kagabi nang madaanan nila sa gilid ng kalsada ang suspek na nasiraan pala ng kanyang motorsiklo.

Kasunod nito, sinita umano siya ng mga pulis kung bakit nasa labas pa siya kahit may curfew, at doon din umano nakita sa kanyang baywang ang isang baril.

Hinanapan umano siya ng kaukulang dokumento sa kanyang baril, subalit wala itong maipakita, rason ng kanyang pagkakaaresto.

Kaagad siyang dinala at pansamantalang ikinustodiya sa Malinao PNP Station, kasama ang kanyang baril na may 7 bala, habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na isasampa laban sa kanya.

Samantala, tumanggi namang magpbigay ng pahayag ang suspek hinggil sa insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *