Connect with us

Aklan News

Motoristang nakabangga sa tumatawid sa kalsada, kritikal

Published

on

Photo/Malbert Dalida/Radyo Todo Aklan

Altavas – Kritikal ang drayber ng isang motorsiklo matapos tumilapon ng mabangga ang lalaking tumawid sa kalsada bandang alas 6:00 kagabi sa Lupo, Altavas.
Kinilala ng Altavas PNP ang nabanggang biktima na si Wilfredo Onayan, tinatayang nasa 65 anyos ng nasabing lugar, na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan at ang driver na si Rowel Deala, 20 anyos ng Quinasay-an, Altavas.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Altavas PNP, kakatawid lang ng kalsada ni Onayan galing sa bahay ng pamangkin nang mabangga ng nagmomotorsiklong si Deala.
Dahil dito, nagtamo ng sugat sa kaliwang paa si Onayan, habang nilipad umano sa kabilang linya ng kalsada si Deala, rason ng malubhang pinsala nito sa ulo at iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.
Kaagad silang dinala sa Altavas Hospital, subalit kapwa rin inilipat sa ospital sa Kalibo.
Nabatid na nasa impluwensiya ng alak ang driver ng motorsiklo nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *