Connect with us

Aklan News

GRANADA, NAPULOT NG BORACAY BEACH CLEANER SA DALAMPASIGAN

Published

on

Nasa pangangalaga na ngayon ng mga taga EOD o Explosive Ordnance Disposal ang isang granadang napulot ng isang beach cleaner bandang alas 10:00 ng umaga kahapon sa dalampasigan ng Yapak, Boracay.

Ayon sa Boracay PNP, napulot ito ng beach cleaner na si Roy Carpiano Echague, 25 anyos at residente ng Balabag, Boracay habang naglilinis sa Cove 3 ng New Coast.

Kaagad umano niya itong dinala sa Police Precinct 3 sa Yapak, na siya namang tumawag ng mga taga EOD para sa proper disposal nito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *