Connect with us

Aklan News

LALAKI, KALABOSO DAHIL SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Ibajay – Sa kulungan na muna magpapasko ang isang lalaki matapos maaresto alas 3:30 kahapon ng hapon sa Sitio Agbaliw, San Jose, Ibajay dahil sa ilegal na sabong.
Kinilala ng Ibajay PNP ang naarestong si Florante Batoy, 45 anyos ng nasabing lugar.
Ayon sa Ibajay PNP, naaresto siya sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Aklan Provincial Task Force on Illegal Gambling at Ibajay PNP matapos nilang matanggap ang impormasyon hinggil sa ilegal na sabong sa lugar.
Bagama’t nakatakas umano ang ilan sa mga suspek, narekober naman ng mga pulis ang 5 manok na panabong, P550.00 na pera, habang minalas na naaresto ang nasabing suspek.
Pansamantala siyang ikinustodiya sa Ibajay PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 449 o Cockfighting Law of 1974 na isasampa laban sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *