Connect with us

Aklan News

TATAY, TINAGA SA MISMONG KAARAWAN NG ANAK 

Published

on

Banga – Sugatan sa ulo ang isang lalaki matapos umanong tagain bandang alas 11:00 kagabi sa San Isidro, Banga, sa mismong birthday ng anak.

Nakilala ang biktimang si Efren Vicencio, 42 anyos, at ang kapitbahay niyang suspek na si Charlet Carpio, 40 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, birthday ng anak ng biktima kung kaya’t may inuman at kantahan sa kanilang bahay.
Subalit inabot na umano ng alas 11:00 kagabi ang malakas na kantahan, rason na sumugod doon ang naingayan at galit na suspek.

Sinasabing may dalang ‘espading’ ang suspek nang sugurin nito ang bahay, habang may kinuha naman umano ng biktima ang kanilang palakol sa paniniwalang matakot at hindi na lumapit pa doon ang biktima.

Subalit binunot umano ng suspek ang dalang patalim at tinaga ang biktima, at kaagad tumakas.

Kaagad dinala sa ospital ang biktima, habang patuloy pang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *