Connect with us

Aklan News

20 ANYOS, TIKLO SA ILEGAL NA PAGBIBENTA NG GASOLINA

Published

on

Numancia – Arestado bandang alas 5:55 kahapon ng hapon sa Badio, Numancia ang isang lalaki dahil umano sa ilegal na pagbibenta ng gasolina.

Sa ‘buy bust’ operation na ikinasa ng Numancia PNP, naaresto ang suspek na si Jay-R Villete, 20 anyos ng nasabing lugar matapos mabilhan ng nagpanggap na customer ng 2 bote ng gasolina kapalit ng P120.00 na buy bust money.

Kasunod pa nito, narekober din ang nasa 88 litro ng gasolina sa iba’t-ibang container, embudo, at ilang pang container at sisidlan ng gasolina.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Numancia PNP at nakatakdang sampahan ng kaso ngayong araw dahil sa paglabag sa PD 1865 o Illegal Trading of Petroleum Products.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *