Connect with us

Aklan News

5 TURISTA NA NAMEKE NG RT-PCR TEST RESULTS, KINASUHAN NA NG PNP

Published

on

Bagamat nagnegatibo na sa swab test, tuloy pa rin ang pagsampa ng kaso ng PNP sa 5 turistang nabuking na gumagit ng pekeng RT-PCR test result para makapasok sa Boracay.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Falsification by Private Individual and Use of Falsified documents (Art. 172 ng Revised Penal Code) ang mga akusadong sina Gelraldine Tabious Yangson, Anna Karenina, Aldrin Cruz, Jeffrey Ortaliza at Margarita Amparado.

Nauna rito, lumipad ang mga turista sa Boracay noong December 5, sakay ng eroplano.

Dahil sa isang concerned citizen, nabisto na peke pala ang mga gamit na RT-PCR test results ng mga ito na kinumpirma mismo ng Safeguard DNA Diagnostic Center sa Mandaluyong City.

Agad sila na dinampot ng mga otoridad sa kanilang tinutuluyan na hotel at inilabas sa Boracay para dalhin sa Aklan Training Center at kuhaan ng swab tests.

Pero kahit lumabas na negatibo ang mga ito, sinampahan pa rin sila ng kaso ng mga otoridad.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *