Connect with us

Aklan News

24 DEPEKTIBONG TIMBANGAN, KINUMPISKA SA KALIBO PUBLIC MARKET

Published

on

Kinumpiska ng Department of Trade and Industry (DTI) ang aabot sa 24 na mga depektibong timbangan sa pangunahing pamilihan sa Kalibo.

Nabisto ng mga taga DTI ang mga ito sa nangyaring inspeksyon na tinawag na Operation Timbangan.

Katuwang ng DTI sa operasyon ang Kalibo Consumer Association na pinangunahan ni Ramel Buncalan at ang Office of the Market Master nitong December 14, Lunes.

Mapapatawan ng kaukulang penalidad ang mga nahuling nagtitinda gamit ang mga may dayang timbangan sakaling mapatunayan ang panlalamang ng mga ito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *