Connect with us

Aklan News

MOTORISTA, NA HIT & RUN NG LASING NA BABAENG NAKA TRAYSIKEL

Published

on

Nagpapagaling ngayon sa ICU ng Aklan Provincial Hospital ang isang lalaking motorista na iniwan ng nakabanggaang traysikel kagabi sa Albasan, Numancia.

Kinilala ang biktimang si Rosgen Ituriaga ng nasabing lugar, habang tinukoy rin bilang Mutya Gonzales Endriga ang drayber ng traysikel na nag hit-and-run sa biktima.

Ayon sa Numancia PNP, mula sa direksyon ng Navitas ang traysikel at mula naman sa Albasan papuntang Navitas ang biktima nang magkasalubong ang mga ito.

Nabatid na lasing ang babaeng drayber ng traysikel at inagaw nito ang linya ng motor dahilan ng banggaan.

Ngunit imbes na tulungan, agad itong humarurot palayo at iniwan ang biktimang nagtamo ng malaking sugat sa ulo.

Natukoy naman ng mga kapulisan ang babae matapos magsumbong ang mga residente at maiwan nito sa lugar ng insidente ang kapares ng kanyang signal light

Inihahanda na ng kapulisan ang mga kaukulang dokumento sakaling magdesisyon ang pamilya ng biktima na sampahan ng kaso si Endriga.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *