Advisory
AKLAN, MAY 5 BAGONG COVID POSITIVE; 2 TAGA KALIBO AT HINDI PA ALAM KUNG PAANO NAGKA-COVID

Published
3 months agoon

Lima ang mga bagong COVID cases na nailista ngayong araw sa Aklan, 2 dito ang taga Kalibo at hindi pa alam kung paano nagka COVID ang mga ito.
Dalawa naman mula sa nasabing bilang ay taga Numancia, isa sa kanila ay nagkaroon ng exposure sa isang COVID patient at Locally Stranded Individual (LSI) naman ang isa.
May isa ring taga Ibajay, siya ay isang taong gulang na lalaking LSI.
Sa kabila ng 5 panibagong kaso, may 13 naman na mga nadagdag sa listahan ng mga gumaling sa sakit.
Sa kabuuan, may 362 total COVID cases sa probinsiya, 299 naman ang recoveries, 12 ang deaths at 51 nalang ang active cases.
You may like
-
HUE HOTELS, TINIYAK NA GINAGAWA ANG MGA HAKBANG UPANG MAGING LIGTAS ANG MGA TAUHAN AT BISITA MATAPOS MAGPOSITIBO ANG ISANG EMPLEYADO
-
P50 MILYON PONDO PARA SA PAGBILI NG COVID-19 VACCINE, APRUBADO NA NG SB KALIBO
-
MGA PARI AT CHURCH WORKERS NA CLOSE CONTACTS NG PARI SA BORACAY NA COVID POSITIVE, NEGATIBO SA RT-PCR
-
23 PANIBAGONG KASO NG COVID-19, NADAGDAG SA AKLAN NGAYONG ARAW
-
PUROK 1-KALIBO, MAY 60 TOTAL COVID-19 CASES NA
-
COVID-19 deaths sa Aklan nadagdagan pa ng isa