Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL DRIVER, SUGATAN MATAPOS MAKABANGGAAN ANG PICK UP

Published

on

Kalibo – Sugatan ang isang traysikel driver matapos makabanggaan ng pick-up pasado alas 6:00 kagabi sa D’Maagma St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Ryan Gonzales, 34 anyos ng Bulwang, Numancia, at ang driver naman ng pick-up na si Heinjie Reyes, 46 anyos ng naunang nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagmamaneho ng traysikel ang biktimang si Gonzales papuntang crossing Banga nang makabanggaan ang pick up, na palabas naman ng garahe.

Sanhi nito, nagtamo ng pinsala sa katawan ang biktima na kaagad dinala sa isang pagamutan.
Samantala, nauwi naman sa areglo kagabi mismo ang nangyaring insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *