Connect with us

Aklan News

MALAY PNP, KUMBINSIDO NA ANG CARETAKER ANG PUMATAY SA LALAKING PUMASOK SA FISHPOND COMPOUND

Published

on

Malay – Kumbinsido ang Malay PNP na ang caretaker ang pumatay sa lalaking pumasok sa binabantayan nitong palaisdaan.

Sa eksklusibong panayam kay PCpl. Briones, imbestigador ng Malay MPS ng Radyo Todo na may ilang mga testigo silang nakausap at itinuro ang suspek na si Darry Intinado, 35 anyos at caretaker ng nasabing palaisdaan na siyang bumaril-patay sa biktimang si Ronel John Eliseo, 31 anyos noong huwebes ng gabi.

Samantala, kinumpirma naman ni PCpl. Briones na nagtamo ng multiple gunshot wounds ang nabiktima mula sa shotgun.

Maalala na pumasok ang biktima kasama ang apat na iba pa sa compound ng palaisdaan para manguha sana pang pain sa kanilang pamimingwit.

Nakita umano sila ng suspek na sa aktong nangunguha ng pangpain at agad na pinaputukan ng baril, rason na mabilis na nagsitakbuhan ang mga ito.

Doon na umano sila nagkita-kita sa bahay ng kanilang kasama, subalit hindi nakasunod ang biktima.

Kinabukasan na ng hapon umano nila nalamang patay na ang biktima na natagpuang nakalutang sa palaisdaan.

Kaagad namang naaresto ang suspek na andon din mismo sa lugar ng kremin.

Sa ngayon pansamantalang siyang ikinustodiya sa Malay PNP para sa karampatang disposisyon.

Itinanggi naman umano nito na may kinalaman siya sa nasabing krimen.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *