Aklan News
KITE BOARDING INSTRUCTOR ARESTADO SA BUYBUST OPERATION SA BORACAY

Published
3 months agoon

Boracay – Arestado sa isinagawang buybust operation ng Malay PNP ang isang kite boarding instructor sa Isla ng Boracay mga dakong 5:40 kaninang umaga..
Nakilala ang suspek na si Ryan Roy Jordan, 35 anyos ng Negros Occidental at pansamantalang nakatira sa Sitio Bolabog, Balabag, Boracay.
Inaresto ang suspek matapos mabilhan ng dalawang plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu kapalit ng 1,200 pesos na buybust money.
Sa isinagawang body search sa suspek, nakuha sa posisyon nito ang anim pang plastic sachet ng shabu na nakalagay sa kaha ng sigarilyo, nakuha rin sa wallet ng suspek ang 1,200 pesos na buybust money.
Ayon suspek na hindi siya gumagamit at nagbibenta ng droga at hindi rin umano kanya ang drogang nakuha sa kanya.
Mahaharap sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 ang nasabing suspek.
You may like
-
BALUT VENDOR, TINAGA NG KAPWA BALUT VENDOR, PATAY
-
BABAENG TURISTA, NAHULOG MULA SA IKATLONG PALAPAG NG RESORT SA BORACAY
-
ANG MAGUGULONG MGA RESOLUTIONS AT POSITION PAPERS NG SANGGUNIANG BAYAN NG MALAY AT SANGGUNIANG PANLALAWIGAN MAY KINALAMAN SA BIDA
-
NO2BIDA BILL: AKLAN GOVERNENT, TUTOL SA PAGTAYO NG BORACAY ISLAND DEVELOPMENT AUTHORITY
-
ANO ANG KWENTO SA PAGBUBUO NG BORACAY ISLAND DEVELOPMENT AUTHORITY
-
2 MAGKASABWAT SA PAGTUTULAK NG MARIJUANA BORACAY, TIKLO