Connect with us

Aklan News

DRUG SURENDEREE, TIKLO SA BUY BUST

Published

on

Numancia – Tiklo sa buy bust operation ang isang drug surenderee pasado alas 5:00 kahapon ng hapon sa Tabangka, Numancia.

Nakilala ang suspek na si Ryan Salinero Florencio, 34 anyos ng Sitio Agila, sa naunang nabanggit na lugar.

Narekober sa suspek ang 2 sachet ng suspected shabu kapalit ng P2,000.00 na buy bust money, habang 5 sachet pa ang narekober mula sa kanya nang isailalim siya sa body search.

Bagama’t itinanggi niya ang pagbibenta ng ilegal na droga, aminado naman ang suspek na isa siyang drug surenderee kasama ang na buy bust din nitong nakaraang October 10, 2020 sa Camancia, Norte, Numancia na si Grace Rembulat.

Pansamantala namang ikinustodiya sa Numancia PNP si Florencio habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *