Connect with us

Aklan News

Curfew sa Kalibo pinaikli para sa Simbang Gabi

Published

on

Pinaikli na ng alkalde sa Kalibo ang curfew hours para sa Simbang Gabi.

Kagabi lang ay naglabas na ng Executive Order No. 088 si Mayor Emerson Lachica para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa pasko, bagong taon at Ati-Atihan Festival.

Nagdesisyon ang alkalde na paikliin ang curfew hours mula 9:00 pm hanggang alas-3:00 ng madaling-araw para makapag-Simbang Gabi ang mga Katoliko.

Para s Christmas Eve Vigil Mass sa December 24, magsisimula ito alas-6:30 hanggang alas-9:00 ng gabi kaya bibigyan ng oras hanggang alas-10 ang mga magsisimba para makauwi.

Ang temporary curfew hours ay magsisimula sa December 16 hanggang December 31, 2020.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *