Connect with us

Aklan News

2 WANTED SA KASONG PAGNANAKAW, ARESTADO

Published

on

Kalibo – Arestado sa magkahiwalay na operasyon ang dalawang wanted sa kasong pagnanakaw.

Unang naaresto ng Kalibo PNP at Jamindan PNP bandang alas 9:35 kaninang umaga sa Agbun-od, Jamindan, Capiz ang akusadong si Ruel Sonio, alyas Rommel Sonio, 46 anyos ng nasabing lugar.

Bandang ala 1:25 naman kaninang hapon sa Lupo, Altavas nang isilbi ng Kalibo PNP at Altavas PNP kay Rolly Zabala, alyas Raul Zabala, 41 anyos ng Pasol-o, Lucero, Jamindan, Capiz ang kanyang warrant of arrest.

Kapwa kasong Robbery in Band ang kanilang kaso na ibinaba ni Hon. Dean Telan, Presiding Judge, Branch 2, RTC 6 Kalibo, 6th Judicial Region noon pang October 10, 1996.

Kaagad silang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon, subalit pansamantalang makakalaya kapag makapagpiyansa sila ng P20,000.00 bawat isa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *