Connect with us

Aklan News

2 ARESTADO DAHIL SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Nabas – Dalawa ang arestado dahil sa ilegal na sabong pasado ala 1:00 kaninang hapon sa Toledo, Nabas.

Nakilala ang mga naarestong sina Jun Francisco, 41 anyos ng nasabing lugar, at Jethro Samuel Calonia, 22 anyos ng Nagustan, Nabas.


Base sa report ng Nabas PNP, kaagad nilang ikinasa ang anti-illegal gambling operation matapos matanggap ang impormasyon kaugnay ng nasabing tupada, na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawa.

Kaugnay pa nito, narekober naman ang P529.00 na pera at dalawang manok na panabong.

Pansamantala silang ikinustodiya sa Nabas PNP, habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 449 o Cockfighting Law of 1974 na isasampa laban sa kanila.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *