Connect with us

Aklan News

SURGICAL LOCKDOWN SA PUROK 1, C. LASERNA ST. KALIBO, TINANGGAL NA

Published

on

Photo Courtesy| Kalibo PNP

Inalis na ni Kalibo Mayor Emerson Lachica ang lingguhang Surgical Enhanced Community Quarantine (SECQ) sa Purok 1, C. Laserna St. Kalibo simula kanina.

Matatandaan na noong Nobyembre 20 unang nagpalabas ng kauutusan ang alkalde ukol sa pagpapatupad ng 14 days lockdown sa nabanggit na Purok dahil sa pagdami ng COVID-19 cases.


Disyembre 3 naman nadagdagan pa ng 7 araw ang lockdown dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng sakit ngunit bago paman matapos ang 7 araw ay tinanggal na ng alkalde ang lockdown.

Base sa rekomendasyon ng Municipal Health Office, dapat na tanggalin na ang SECQ dahil tapos na ang 14-day quarantine ng mga close contacts at negatibo na rin sila sa RT-PCR test.

Ayon naman sa mga kapulisan walang naging malaking problema sa pagpapatupad ng SECQ sa lugar sa loob ng tatlong linggong lockdown.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *