Connect with us

Aklan News

LALAKI NAGBIGTI, PATAY

Published

on

Patay na nang matagpuan sa puno ng kahoy ang isang lalaki matapos umano itong magbigti kaninang umaga sa isang barangay sa Numancia.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Numancia PNP, alas 8:00 kaninang umaga nang huli siyang makita ng kanyang tiyahin, bago nakitang nakabitay sa kahoy ng Kamagong isang oras ang nakalipas.


Kaagad naman umano siyang tinanggal sa pagkakabitay ng kanyang ama at dinala sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival.

Sinabi naman ng Numancia PNP na isasailalim sa post mortem examination ang bangkay ng biktima, habang inaalam pa ang posibleng dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *