Connect with us

Aklan News

BANGKAY NG LALAKING TUMALON SA AKLAN RIVER, NATAGPUAN NA

Published

on

Matapos ang tatlong araw na walang tigil na paghahanap, natagpuan ng palutang-lutang sa may dumping site ng Bakhaw Sur ang bangkay ng lalaking sinasabing tumalon sa Aklan river nitong Biyernes.

Halos hindi na makakain at makatulog dahil sa paghahanap ang pamilya ng biktimang si Rod Relator, 32 anyos ng Bakhaw Sur, Kalibo matapos itong tumalon sa ilog.


Kanina lang ay natagpuan ng mga residente sa Bakhaw Sur ang katawan ng biktima at agad na ipinaalam sa mga kinauukulan.

Matatandaan na huling nakita ang biktima dakong alas-11:30 gabi ng Biyernes, pero bago ito ay nakipag-inuman pa umano ang biktima sa kanyang mga kaibigan.

Sinikap pa ng kanyang mga kaibigan na maisalba ang biktima pero hindi na nila ito naabutan matapos na biglang tumalon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *