Connect with us

Aklan News

MOBILE SUBSTATION NG MORE POWER, PINAGANA NA SA ILOILO BUSINESS PARK

Published

on

Pinagana na ng MORE Power Iloilo ang 10MVA mobile substation na inilagay sa Iloilo Business Park kaninang umaga.

Ito na ngayon ang Nagsu-supply ng kuryente sa buong Megaworld Area sa Mandurriao na may load demand na umaabot sa 7MVA.

Inilipat dito ng MORE Power ang Feeder ng Megaworld na dating nakakonekta sa Mandurriao substation sa Brgy. Bolilao.

Dahil dito, nabawasan ang load na konektado sa 30 MVA Mandurriao substation na dating overloaded at nasa critical level na.

Makakahinga na ito ngayon at makakapagbigay ng dekalidad na elektrisidad sa mga feeders na konektado dito.

Samantala, dahil sa dedikado at mataas na kapasidad ng bagong mobile substation, inaasahang mas gaganda ang kalidad ng kuryente sa Iloilo Business Park at makapag-engganyo pa ng dagdag na negosyo katulad ng mga call centers at condominiums.

Ito ang unang major investment ng MORE Power na kalakip sa 1.9 billion pesos na capital na gagastusin sa pag modernize ng distribution ng kuryente sa Iloilo City sa susunod na 3 hanggang 5 taon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *