Connect with us

Aklan News

Search & Rescue operation sa lalaking tumalon kagabi sa Aklan river, nagpapatuloy

Published

on

Photo/Mary Ann Solis/Radyo Todo Aklan

Walang tigil sa paghahanap ng mga rescuers at pamilya ng isang lalaking tumalon sa Aklan River na sakop ng Purok 4 C. Laserna St., Kalibo, Aklan.

Base sa inisyal na impormasyon, kinilala ang lalaking si Rod Relator, 32 anyos ng Bakhaw Sur, Kalibo.


Ayon sa hipag ng biktima, huling nakita ang biktima dakong alas-11:30 kagabi na may kausap sa cellphone. Pero bago ito ay nakipag-inuman pa umano ang biktima sa kanyang mga kaibigan.

Sinikap pa ng kanyang mga kaibigan na maisalba ang biktima pero hindi na nila ito naabutan matapos na biglang tumalon.

Nahirapan din sila sa paghahanap dahil madilim na sa lugar at malakas pa ang agos ng tubig bunsod ng pag-ulan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *