Connect with us

Aklan News

MAGPINSAN NA MANGANGATAY NG BABOY NA HIT-AND-RUN

Published

on

Nagpapagaling ngayon sa ospital ang dalawang magpinsan na mangangatay ng baboy matapos ma hit-and-run ng isang traysikel kaninang alas-3:30 sa Brgy. Estancia.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Jevie Sapico, 21 anyos at Jeremy Carlos, 17-anyos ng Brgy. Pook, Kalibo.

Sakay ng topdown ang dalawa habang papunta sana sa Tinigaw, Kalibo nang masapul ng isang traysikel na mula naman sa direksyon ng Banga.

Ngunit tinakasan ng hindi pa nakikilalang drayber ng traysikel ang mga biktima na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Sa kabila ng mga natamong sugat, nakayanan pa ni Carlos na humingi ng tulong sa mga dumaraang motorista at natulungan ang mga ito na madala sa ospital.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *