Connect with us

Aklan News

Regulasyon sa paggamit ng videoke, Ati-Atihan instruments at iba pang ingay sa Kalibo, inilabas na

Published

on

NAGLABAS na ng Executive Order si Kalibo Mayor Emerson Lachica ukol sa regulasyon ng paggamit ng videoke, Ati-Atihan instruments at iba pang ingay habang oras ng klase.

Batay s EO no. 084 Series of 2020, ipinagbabawal na ang pagvideoke, o iba pang bagay na naglilikha ng ingay tuwing Lunes hanggang Biyernes mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Mahigpit na ipinagbabawal din ang pagtugtog ng drums at iba pang instrumentong pang Ati-Atihan sa mga kalsada, plaza at pampublikong lugar lalo na kung hindi makontrol ang ingay nito maliban na lamang kung mismong contest proper na ng mga tribung sasali sa Ati-Atihan Festival.

Nakaatang sa mga local barangay officials at Philippine National Police ang implementasyon ng naturang executuve order.

Ang mga pasaway na indibidwal na mahuhuli ay maaaring pagbayarin sa paglabag ng PD 984 in relation to NPCC Memorandum Circular No. 002 and PD 1152.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *