Connect with us

Aklan News

Imbes na bukas, SECQ sa Purok 1 C. Laserna inextend pa ng hanggang December 11

Published

on

Extended pa ng pitong araw ang Surgical Enhanced Community Quarantine (SECQ) sa Purok 1 C. Laserna St. Poblacion, Kalibo dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 sa lugar.

Nakatakda na sanang magtapos ang SECQ sa lugar bukas, December 4, ngunit ayon kay Poblacion, Kalibo Punong Barangay Niel Candelario, napagpasyahan ng Municipal COVID-19 Task Force na i-extend pa ang SECQ ng hanggang December 11.

Matatandaang nagsimula ang SECQ noong November 20 base sa inilabas na Executive Order No. 79 ni Mayor Emerson Lachica.

Samantala, ayon kay Dr. Cornelio Cuachon ng Provincial Health Office, mayroong 18 bagong COVID positive sa mula sa nabanggit na Purok.

Base aniya sa mga bagong laboratory results kahapon, mula sa 103 ay 23 ang nagpositibo. Mula naman sa nasabing bilang, 18 agad ang taga Purok 1, 3 sa Tigayon, 1 sa New Buswang at Buruanga.

May 78 pang laboratory results na huling dumating mula sa Western Visayas Medical Center at lahat ng ito ay negatibo.

Sa ngayon, mayroon ng 332 confirmed cases, 191 recoveries, 130 active cases at 11 deaths sa Aklan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *