Connect with us

Aklan News

56-anyos na tumatawid sa highway, nasapul ng motor

Published

on

Ospital ang bagsak ng isang 56-anyos na lalaki makaraang masagasaan ng motor habang tumatawid sa may highway ng Linabuan Norte, Kalibo pasado alas-6:00 kagabi.

Kinilala ang biktimang si Edwin Francisco, residente ng nabanggit na lugar, habang kapwa nasa ospital din ang rider ng motorsiklo na bumangga sa kanya na si Marlon Abarecio, 35-anyos ng Tabayon, Banga.

Ayon sa biktima, inakala nito na malayo pa ang motor kaya tumawid ito ng kalsada.

Hindi na rin nakapag-preno si Abarecio dahilan na kapwa sila sumemplang sa kalsada.

Parehong dinala sa ospital ang dalawa at ngayon ay nagpapagaling na sa ospital matapos magtamo ng mga bali at sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *