Connect with us

Aklan News

23 PANIBAGONG KASO NG COVID-19, NADAGDAG SA AKLAN NGAYONG ARAW

Published

on

Panibagong 23 kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa Aklan ngayong araw.

Sa nasabing numero 22 dito ang galing sa bayan ng Kalibo at isa sa bayan ng Buruanga.

Sa ngayon umakyat na sa 130 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Aklan.

Samantala, namatay na alas 9 kagabi, Dec. 1, ang 83 anyos na lalaki na naitalang kauna unahang kaso ng COVID-19 sa bayan ng Buruanga.

Base sa ipinalabas na official statement ng Buruanga Municipal Task Force on COVID-19 na wala itong travel history at hindi pa malaman kung saan nito nakuha ang virus.

Na admit ito sa aklan provincial hospital noong Nov. 30 matapos makitaan ng mga sintomas, kinuhaan ng swab sample at lumabas sa resulta kinabukasan, Dec. 1 na positibo ito sa COVID-19.

Patuloy naman ang isinasagawang contact tracing ng municipal task force sa mga high risk contacts ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *