Connect with us

Aklan News

BANGGA-AN NG 2 MOTORSIKLO, ISA PATAY

Published

on

Image|©Kathe Lei

Lezo – Isa ang patay sa banggaan ng dalawang motorsiklo pasado alas 11:00 kagabi sa Ibao,.Lezo.

Nakilala ang isa sa dalawang biktima na si Franz John Crispino, 26 anyos, isang traysikel driver, at residente ng Agcawilan, Lezo, habang nakilala naman ang draybet ng motorosiklo na namataya na si Carlo dela Rosa, 20 anyos at residente ng Brgy. Lag. East Numancia.

Base sa imbestigasyon ng Lezo PNP, dumalo sa binyag ng kanyang pamangkin kahapon si Crispino kung saan din ito nakatulog kagabi.

Nagising umano ito bandang alas 10:20 kagabi, at kinuha ang motorsiklo ng kasama at sinakyan pauwi, hanggang sa nalaman na lamang na naaksidente pala ito.

Samantala, dinala ng mga taga MDRRMO Lezo ang biktimang si Franz na nagtamo ng pinsala sa katawan at ulo, habang ang Lezo PNP naman ang nagdala sa ospital kay dela Rosa.

Bagama’t nagpapatuloy pa ang imbestigasyon, kinumpirma naman ng Lezo PNP na isang ‘head on collision’ ang nangyari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *