Connect with us

Aklan News

UPDATE | SUSPEK SA PANANAGA SA IBAJAY, NAHULI NA

Published

on

Nasa kustodiya na ngayon ng Ibajay PNP ang suspek sa pananaga kahapon sa Bugtongbato, Ibajay.

Ayon sa Ibajay PNP, may nakakita umano sa suspek habang naroon ito at natutulog sa isang kubo sa Naisud, rason na kaagad naman itong itinawag sa kanilang presento.

Kaagad din itong pinuntahan ng Ibajay PNP at inaresto ang suspek at narekober din ang nasa 54 sentimetrong haba na itak.

Samantala, hinihintay pa ng mga pulis ang disposisyon ng biktima kung sasampahan niya ng kaso ang suspek na kapamilya lang din pala biktima.

Nabatid pa sa imbestigasyon na nakasakay sa tapdown ang suspek na si Martesano at bumaba lamang ito at sinundan ang naglalakad na biktima at tinaga sa ulo.

Nasa impluwensiya din umano ng alak ang suspek nang mangyari ang insidente kaya’t posibleng uminit ang ulo nito nang maalala na pinasok dati ng biktima ang kanilang bahay na siya rin umanong rason ng dati nilang alitan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *